Sino si ATTY. CHRISTIAN "IAN" SIA


Ikalawa sa pitong anak nila Jaime Manabo Sia at Nenita Sta. Ana De Guzman ng Lungsod ng Pasig


Sa murang edad, pinagsabay ni Ian Sia ang pag-aaral at pagbabanat ng buto


Palibhasa'y anak ng tindero ng hopia at gulaman, naging kaagapay SIA ng kanyang magulang sa paglalako ng kanilang paninda, umulan man o umaraw.


Nag aral un unang baitang sa La Immaculada Conception School at ipinagpatuloy sa Pasig Catholic College mula elementarya hanggang high school.


Dahil sa kanyang pagsusunog ng kilay, naging consistent honor student si Ian Sia sa mga nasabing paaralan


Sa Kolehiyo, nagtapos si Ian Sia ng Accounting sa Dela Salle University at di kalaunan ay naging isa CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT (CPA)


Pinalad na makapagtrabaho sa pinakamalaking accounting firm sa bansa, ang SyCip Gorres Velayo & Co. (SVG &Co.)


Sa kagustuhang mas lalong mapalawak ang taglay na kaalaman, kumuha si Ian Sia ng Kursong Law sa Ateneo de Manila University. sa kanyang pagpasa sa BAR examinitation, napabilang si Ian Sia sa hanay ng mga Abogado sa pilipinas


Siya ay naging isang Junior Associate sa isang malaking law firm, ang Villaraza and Angcangco Law Offices.


Sa kanyang sipag at talino, maraming natulungan si Atty. Ian Sia. Dahil sa pagiging laki sa hirap, naging misyon na nya ang tumulong sa mga nangangailangan.


Ang pusong maglingkod sa iba ang nag udyok kay Atty. Sia na iabot ang kanyang kamay sa mga kababayang PASIGUENO bilang isang taong malalapitan at maasahan sa oras ng kagipitan.

Some Details not Available

 Some Details not Available 

Some Details not Available

 Some Details not Available 

image367

Contribute

PHP 1.00
Pay with PayPal or a debit/credit card

........ Details not Available